Friday the 13th…

May kasabihan tau na pag pumatak daw ang 13 ng biernes, siguradong may kamalasan na darating… Isang malaking unos ang ngyari sa buhay ko. Nag desisyun ako ngaung araw na ito na tuluyan ng makipag break kay Bhe… Nag move out na ako sa aming love nest… Valentines day pa naman bukas huhuhu..

Pero alam ko na makakabuti para sa aming dalawa ang naging desisyon ko na ito. Sobrang sakit, pero hindi na healthy ang relationship, halos araw araw na kami nag aaway. Bakit nga ba kami nag aaway? Iisa lang ang dahilan at ito un…

June of 2007 nakilala ko si Bhe thru common friend, that tym I still have a BF in US. At sya naman ay engaged for his 5 year GF that tym. Nakalimot ng isang gabi, at nag kasundo na magkaroon ng relationship without commitment. Isang laro ng pagmamahal na nauwi sa seryosohan, simula pa lang alam ko na sobrang mahal nya si GF, wala naman ako talagang balak na agawin o sirain ang relasyon nila. Nagdecide lang ako na mahalin na sya ng tuluyan ng kinwentu nya sa akin ang tunay na estado ng relasyun nila ni GF, 5 years nga ang relationship nila pero never pa silang nagkita dahil nagkarelayun lang sila dahil sa txt at tawag lang, May of 2007 pinilit nyang makarating Laoag, dahil ito ang sinasabi ng gurl na address nya at saan ka nakakita ng GF na pumunta na lahat lahat ang BF mo sa malayo mong probinsya at sasabihin mo lang na YOU HATE SURPRISES.. what the heck… nagbyahe sya ng subrang layo at hindi mo ituturo ang tunay mong address at sana man lang ay nakipagkita ka man lang. After kong malaman ang lahat ng yun, alam ko na niloloko lang ni GF si BF…

Ilang beses kami naghiwalay ni Bhe, pero ako din ang sumusuko.. Pinilit kong iwork out ang relationship, pero napakarami ding instance na talagang mahal nya si GF, nagpakatanga ako ng 2 years hoping na makakalimutan nya si GF at matatauhan cya. Ginawa ko ang laahat para sa akin mabaling ang pagmamahal nya, pero bigo pa din ako.. Sabi nga ng mga friend ko ako ay isang babaeng bakla, halos binili ko ang buo nyang pagkatao, pero talo lang ako.. Hindi nya talaga kayang kalimutan si GF, napakaswerteng babae. At ipinagtapat nya din sa akin na hanggang ngaun ay magkatxt pa din sila at kahit daw tumanda na sya hihintayin nya pa din ang araw na magkakasama sila ni GF. Sobra na akong talo.

Kulang ang isang blog para masabi ko ang lahat ng sinakripisyo ko para sa kanya.. Kinalimutan ko ang sarili kong buhay para sa knya, nawala ang mga kaibigan ko ng dahil sa knya.. Mas nauna pa akong natauhan, sabi nga ng cousin ko “all you need is a time for yourself at iisa lang ang pwede mong itanong MASAYA KA PA BA?”.. Pinag isipan ko ang desisyon ko na ito ng halos tatlong buwan, sobra kong mahal si Bhe.. Pero pwede mo palang mahal ang isang tao pero hindi ka na masaya.. Siguro kakayanin ko na lang ang isang sakit kesa nasasaktan ako ng araw araw.. Mahirap pilitin ang isang tao kung hindi ka nya kaya talagang mahalin.

Friday the 13th, isang araw na hindi ko makakalimutan , it is the worst day of my life but still expecting that I can move forward.. Start new life.. Try to be happy, and try put the shattered pieces of your life into a better life.. All i need right now is time to love myself again and bring back the love of my true friendships…

p2083296

2 responses to this post.

  1. Hi Melai, sana ok ka na ngayon. Emong-emo ang lola a. Cheer up!

    Natakot naman ako sa pic mo. Akala ko nagpapakamatay ka na nyan. Hahaha!

    Btw, may kasalanan ako sa u. Yung latest comment mo sa post ko…i accidentaly deleted it. Imbes na reply ang iki-clik ko..yung delete ang na-klik. Ang engot ko kasi. Pasensya na po. 😦

    Reply

  2. Posted by melai1022 on February 20, 2009 at 12:57 pm

    ok lang po… hehheh.. trying to survive and recover… moving forward na ko… hoping.. heheheh

    Reply

Leave a comment