BWISET…

Marami tayong bagay na kinaiinisan at ito lang ang ilan sa mga halimbawang kinaiinisan ko..

1. Perfect ang month ng August, na hit ko ang pinaka malaking commission, .. perfect ang pang shopping pero ng makita ko ang tax ko, tumataginting na 15k.. Bwiset…

2. Nag email sa kin ang ex bf ko, informing na namatay ang anak ng friend namin… xiempre reply agad baka sakali mag email ulit, at least pwede kami maging friends ulit, kaso hindi na nag reply.. Bwiset…

3. Lumabas na ang commission for the 2nd phase for the month of September, ako na yata ang isa sa mga pinaka mababa ang commission, tumataginting na $98 lang ang makukuha ko… Bwiset…

4. Sa month of  September ang name ko ay nasa top ten ng bottom performer sa Returns.. Bwiset…

5. Isang customer ang nagpipilit mamili ng car parts, pero ndi naman nya alam ang year make and model ng kotse nya… Bwiset…

6. Nag browse ako ng friendster account ko, nakita ko ang mga comment sa akin ng mga old friend ko, at naalala ko ang nakalipas namin ng honey ko, bumalik uli ang sakit at naiinis ako dahil na miss ko na naman sya…. Bwiset…

7. Nilibing na kahapon ang anak ng friend namin, ndi ako nakapunta kasi sobrang lakas ang ulan.. Bwiset..

8. Ang resolution ko sana for this month of October ay wala akong late, pero 2nd day of the month pa lang nalate na ko ng 1 min… Bwiset…

9. sinundo ako from work kagabi ng Bhe ko, umfortunately, nakainum sya at mag momotor lang naman kami pauwi, kaya sobra ang nierbiyos ko habang pauwi kami, andami pa naman natitigola sa pag momotor..Bwiset..

10. At eto na ang pinaka bongga sa lahat.. nakaka 50 calls na ko today pero lima pa lang angn benta ko, at lahat ng tawag ko, out of stock ang part na hinahanap nila, at puro Irate ang mga customer ko.. BWISETTTT…

At marami pang nakakabwiset na pangyayari sa akin ngaung linggo na to… Sa tingin ko, talagang hindi maganda ang week ko nato, isa lang ang good news sa akin, Dumating ang Mommy Ge ko from States, makauwi nga ng bataan, para mawala ang Bwisit ko…

Respond to this post